Entries for January, 2007
January 24, 2007 -- Apektado.
Sobrang daming nangyari/naganap, nangyayari/nagaganap. At alam ko marami pa mangyayari/magaganap. Mga pangyayaring ang hirap hanapan ng dahilan. Mga pangyayaring ang hirap unawain. Pero sa kabila nun, naniniwala akong darating ang araw magkakaron ng kasagutan ang lahat.
Ngunit.. Ano itong isang bagay ngayon na gusto ko masagot pero hindi ko masagot.. O baka naman alam ko ang sagot pero ayoko lang sagutin. BAKIT AKO APEKTADO, BAKIT? Baka ikaw, alam mo ang sagot.

Currently feeling: indifferent
January 24, 2007 -- Dear Nurse, ...
Nakakapagod mag-work sa totoo lang. Lalo na pag nurse ka. At naniniwala ako na kung may bagay man na makakapagpawala ng pagod ng isang nurse, eto ay yung malaman na pinahahalagahan ng mga pasyente niya ang pag-aalaga at panahon na ginugugol niya. Mula nang nag-work ako bilang isang nurse, kahapon ang araw na pinakamagaan sa pakiramdam at masasabi kong masarap maging nurse. Bakit? Dahil dito:
Dear Nurse,
Thank You I Love You
Beverly
Yan ay isang sulat mula sa isa sa aking pasyente kahapon. Isang batang babae, limang tao na may sakit sa puso. Nakakaantig di ba? At mas nakakaantig pa eto:
Sinagot ko ang sulat ng bata. Bago ako umuwi kagabi, pinuntahan ko siya sa kanyang silid. Tulog na. Nakausap ko ang mommy niya.
Ako: Ay Ma'am tulog na siya.. Sabihin n'yo na lang po dinalaw ko siya bago ako umuwi.
Mommy: Oo. Ay nurse! Alam mo ba yung sulat mo sa kanya, ayaw niya ipatago sa akin.
Ako: Bakit po?
Mommy: Alam mo kung san niya nilagay?
Ako: Saan po?
Mommy: Sa bulsa sa dibdib niya. Dun lang daw. Wag daw kukunin para alam niyang nasa kanya lagi. Sa tapat ng heart niya.
Ansarap sa puso. Grabe.
Kaninang umaga nga ang operasyon niya kaya naman sobrang pinagdarasal ko na maging maayos ang lahat. (Pagdasal n'yo rin sana siya.)

Currently feeling: loved
Posted by Lainee at 05:50 PM | 4 left me a note!